^

Probinsiya

‘Mangkukulam’ sinilaban

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa malubhang kalagayan sa pagamutan ang isang 62 anyos na lola na pinararatangang magkukulam sa kanilang lugar  matapos na sabuyan ng gasolina at silaban ng isang lalaki sa  Salvacion St. Brgy. Canlubi , Virac, Catanduanes nitong Sabado.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Eastern Bicol Medical Center ang biktimang si Merly Tioxon, may asawa, residente sa naturang lugar.

Pinaghahanap naman ang  tumakas  na suspek na kinilalang si Marjal Pacay, 39  may-asawa, isang fish vendor at kapitbahay ng biktima .

Sa report ni Sr. Supt. Adelio Castillo, Provincial Director ng lalawigan bandang alas-7 ng umaga nang maganap ang insidente habang nagla­lakad ang matanda sa na­sabing lugar.

Bigla na lamang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing sinabuyan ng gasolina sa mukha ang matanda saka sinindihan ng lighter bunsod upang magtamo ito ng 3rd degree burn. Lumilitaw sa imbestigasyon na may matinding galit ang suspek sa matanda dahilan sa pagkamatay ng kaniyang kapatid na hinihinala  sanhi ng kulam.

vuukle comment

ADELIO CASTILLO

BIGLA

CANLUBI

EASTERN BICOL MEDICAL CENTER

MARJAL PACAY

MERLY TIOXON

PROVINCIAL DIRECTOR

SALVACION ST. BRGY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with