^

Probinsiya

SUV vs trike: 6 patay, 3 pa sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Anim  katao kabilang ang apat na estudyante ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan makaraang suwagin ng isang rumaragasang SUV ang kasalubong nitong tri­cycle sa national highway ng Barangay Larion Bajo, Tuguegarao City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay  Supt. Julius Ordonio, hepe ng Tuguegarao City Police, dead-on-the-spot ang driver ng tricycle na si James Ca­limag, 25-anyos.

Samantala, pawang dead-on-arrival naman sa People Emergency Hospital at Cagayan Valley Medical Center ang mga pasaherong estudyante na sina Annie Pagalilauan, 19; Reyniemar Marribay, 19, Jenmar Soriano, 26; Diamond Nicole Talang, 22; at ang vendor na si Loreta Perciano, 49-taong gulang.

Nakikipagbuno naman kay kamatayan ang dalawa pang estudyanteng sina  Jezrill Como, 21; at Jeozo Tumanguil,18.

Ang isa pang sugatan ay ang driver ng Mitsubishi Montero SUV na si Resty Pillos, 34-anyos, negos­yante, ng Barangay Caritan Centro ng lungsod na ito.

Lumalabas sa imbestigasyon na nang-agaw ng linya ng tricycle ang negosyante nang tinangka nitong mag-overtake sa isa pang sinusundang sa­sakyan na siyang nagbunsod sa malagim na trahedya.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay tumilapon ng ilang metro at nagpagulung-gulong pa ang tricycle na ikinasawi at ikinasugat ng mga sakay nito.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang driver ng SUV.

vuukle comment

ANNIE PAGALILAUAN

BARANGAY CARITAN CENTRO

BARANGAY LARION BAJO

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

DIAMOND NICOLE TALANG

JAMES CA

JENMAR SORIANO

JEOZO TUMANGUIL

JEZRILL COMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with