DepEd supervisor, asawa utas sa tandem
NORTH COTABATO , Philippines - Bulagta ang 62-anyos na DepEd district supervisor at asawa nito matapos tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Dalingawen, bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng hapon.
Kinilala ni Pikit police chief P/Inspector Mautin Pangandigan ang mag-asawa na si Violita Flores Almazan, 62, district supervisor sa South Midsayap at Gervacio Almazan, 63, retired government employee at kapwa residente sa Barangay Poblacion sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Ayon sa police report, pauwi na sana ang mag asawang lulan ng motorsiklo mula sa bayan ng Midsayap nang tambangan pagsapit sa bahagi ng Barangay Dalingawen.
Dahil sa rami ng tama ng bala ay patay kaagad ang lalaki habang naisugod pa sa pagamutan ang asawa nito ngunit idineklarang patay.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest