^

Probinsiya

Bunso inutas ng kuya

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 22-anyos na lalaki ng kanyang nakatatandang utol makaraang masak­sak habang nag-aagawan sa patalim sa  kanilang bahay sa Barangay Caditaan, bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Ricky Bagangan habang nasakote naman ang suspek na si Francisco Bagangan, 26, kapwa nakatira sa nasabing bayan.  Base sa police report, sumugod ang biktimang may hawak na pamalong kahoy sa bahay ng kanyang utol kung saan nagsisigaw ito. Gayon pa man, naagaw ng suspek ang hawak na kahoy ng biktimang sinasabing may kapansanan sa pag-iisip. Subalit kumuha naman ng patalim ang biktima at tinangkang saksakin ang kanyang kuya subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasaksak ang sarili matapos muling mag-agawan ang mag-utol.

BARANGAY CADITAAN

CAMARINES SUR

FRANCISCO BAGANGAN

GAYON

NAPATAY

NAPURUHAN

RAGAY

RICKY BAGANGAN

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with