^

Probinsiya

Mamimili nagpanik, nabulabog… Lady guard dinedo sa mall

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nabulabog ang mga mamimili sa isang department store sa mall makaraang barilin at mapatay ang 37-anyos na lady guard ng kanyang kabarong sekyu sa Ilagan City, Isabela kamakalawa.?

Kinilala ni P/Supt. Vi­cente Valdez, hepe ng Ilagan PNP ang biktima na si Nelia Estrada habang nasakote naman ang suspek na si Carlo Manuel, 25, ng Barangay Taligan sa bayan ng Gattaran, Cagayan.?

Nabatid na inakusahan ng suspek ang biktima na ninakaw ang kanyang P500 kung saan inakusahan naman ng lady guard ang kanyang kabaro na kinokotongan ang mga namamasukang sales lady sa dept. store.?

Gayon pa man, nagalit ang suspek sa tinuran ng kanyang kabaro kaya binoga nito sa noo ang biktima sa harapan mismo ng mga mamimili sa nasabing department store.

Lumikha naman ng kaguluhan sa mamimiling nagsisigawan at nagkanya-kanyang pulasan palabas ng establisamento para hindi madamay sa pamamaril ng suspek.

Kaagad na isinugod sa Villaroman Medical Hospital subalit namatay ang biktima makalipas ang ilang minuto habang patuloy naman ang imbestigsasyon

vuukle comment

BARANGAY TALIGAN

CARLO MANUEL

GATTARAN

GAYON

ILAGAN

ILAGAN CITY

ISABELA

NELIA ESTRADA

VILLAROMAN MEDICAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with