^

Probinsiya

COA employee itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang emple­yado ng Commission on Audit (COA) Region 12 matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Brgy. Rosary Heights sa lungsod ng Cotabato nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Cotabato City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Engineer Oliver Samonte, 54 anyos, naninirahan sa Kutawato Homes sa Brgy. Rosary Heights 10 ng nasabing siyudad.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi habang ang biktima ay lulan ng habal-habal na motorsiklo nang sundan ng mga armadong suspek na sakay rin ng motorsiklo at pagbabarilin.

Agad namang nagsitakas ang mga armadong suspek matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala sa katawan ang kanilang target. Ang biktima ay idineklara ng dead on arrival sa pagamutan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen at masakote ang mga nagsitakas na salarin.

 

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

COTABATO

COTABATO CITY POLICE

ENGINEER OLIVER SAMONTE

INIIMBESTIGAHAN

KUTAWATO HOMES

ROSARY HEIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with