^

Probinsiya

Misis minartilyo ng mister, patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 47-anyos na misis makaraang  pagmamartilyuhin ng sadista nitong mister na nagtangka ring magpakamatay sa kanilang bahay noong Lunes ng gabi sa bayan ng Lupi, Camarines Sur.

Kapwa naisugod sa Sipocot District Hospital ang mag-asawa subalit namatay si Jocelyn Deocareza dahil sa pagkabasag ng bao ng ulo habang ginagamot naman ang mister na si Armando Deocareza, 50, kapwa nakatira sa Barangay Ramon sa nabanggit na bayan.

Inilipat naman sa Bicol Medical Center si Armando dahil sa matinding sugat sa tiyan na sinasabing tinangkang mag-suicide.

Sa salaysay ng mga kapitbahay, narinig nilang nag-aaway ang mag-asawa subalit hindi ito pinansin sa pag-aakalang magkakasakitan.

Gayon pa man, ilang minuto ang nakalipas ay narinig ang malalakas na kalabugan sa loob ng bahay ng mag-asawa at nang sumilip ang ilang kapitbahay ay nakita nila ang suspek na minamartilyo sa ulo ang kaniyang misis.

Tinangka ring magpakamatay ng suspek matapos na magsaksak sa sarili.

vuukle comment

ARMANDO

ARMANDO DEOCAREZA

BARANGAY RAMON

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

GAYON

INILIPAT

JOCELYN DEOCAREZA

KALUNUS

SIPOCOT DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with