^

Probinsiya

Pulis naningil ng pautang, itinumba

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Patay ang bagitong pulis habang sugatan naman ang isa pa sa naganap na pamamaril sa Batangas City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Superintendent Omega Jireh Fidel, hepe ng Batangas City PNP ang napatay na si PO2 Rowen Clerigo, naka-assign sa Batangas City PNP.

Sugatan naman si Wilson Montano na kasaluku­yang ginagamot sa San Jose District Hospital.

Base sa police report, naniningil ng pautang si PO2 Clerigo sa suspek na si Michael Hernandez sa Barangay Concepcion nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap bandang alas-10:30 ng umaga.

Habang nagtatalo, binaril ni Hernandez si PO2 Clerigo kung saan tinamaan sa ulo habang tumakas naman ang suspek matapos hampasin ng baril sa ulo si Montano.

Sa salaysay ng mga saksi, naglakad na lumayo sa crime scene si Hernandez patungo sa di-nabatid na direksyon.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng pulisya ang pinagtalunan nina PO2 Clerigo at Hernandez na sinasabing tumangging magbayad sa pagkakautang.

vuukle comment

BARANGAY CONCEPCION

BATANGAS CITY

CLERIGO

HERNANDEZ

MICHAEL HERNANDEZ

ROWEN CLERIGO

SAN JOSE DISTRICT HOSPITAL

SENIOR SUPERINTENDENT OMEGA JIREH FIDEL

WILSON MONTANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with