2 suspek sa rape slay, kalaboso
BULACAN , Philippines – Kalaboso ang dalawang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 26-anyos na babae at pagpatay sa ama nito matapos ilatag ang operasyon sa Barangay Niugan, bayan Angat, Bulacan kahapon. Hindi na nakapalag pa ng arestuhin ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Christopher Dela Cruz ang mga suspek na sina Jolito Rivera, 24; at Hayden Tesoro, 25, mga kamag-anak ng mag-ama sa nasabing barangay. Ayon kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, nasakote ang mga suspek matapos ituro ng dalawang testigo. Sa tala ng pulisya, hinalay muna ng mga suspek ang biktimang si Michelle Villarama-Nieves saka sinaksak hanggang sa mapatay noong Huwebes ng gabi habang napatay din ang tatay nitong Arnell Nieves matapos sumaklolo.
- Latest