^

Probinsiya

Bata utas sa salpok ng kotse

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 12-anyos na elementary pupil makaraang salpukin ng kotse sa gilid ng highway sa Barangay Laiya Ibabao, bayan ng San Juan, Batangas kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Chief Inspector Pablo Aguda Jr., acting chief of police sa San Juan, kinilala ang biktima na si Jesper Columna, tubong Bacoor City, Cavite at nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon, nag­lalakad sa gilid ng kalsada ang biktima nang mahagip ng pulang Toyota Corolla (PRW- 268 ) na minamaneho ni Lope Hernandez, 49, ng San Juan, Batangas. Sa halip na dalhin ang biktima sa pagamutan ay tinakasan ito ni Lope kung saan iniwang duguan ang bata sa gilid ng kalsada. Nasakote naman ang driver ng kotse sa isinagawang follow-up operation ng pulisya matapos na isang testigo ang lumutang at isiniwalat ang numero ng plaka ng sasakyan na nakasagasa sa biktima.

vuukle comment

BACOOR CITY

BARANGAY LAIYA IBABAO

BATANGAS

CAVITE

CHIEF INSPECTOR PABLO AGUDA JR.

JESPER COLUMNA

LOPE HERNANDEZ

SAN JUAN

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with