^

Probinsiya

Misis ni-rape ng mister

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines– Kalaboso ang binagsakan ng 32-anyos na mister matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong panghahalay sa kanyang misis, ayon sa ulat kahapon. Napag-alaman na sinampahan ng kasong rape si Roel Cuntapay may tatlong taon na ang nakalipas matapos niyang gahasain ang kanyang misis noong dalaga pa ito. Subalit napagkasunduan umano na panagutan ni Cuntapay ang anumang responsibilidad na nagresulta naman sa maayos nilang pagsasama ng kanyang misis. Dahil dito ay labis na ikinagulat ni Cuntapay nang damputin siya ng pulisya sa construction site sa Cauayan City, Isabela. Sa bisa warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 5 ng Tuguegarao City ay dinakip si Cuntapay na umamin naman sa ginawang krimen.

 

vuukle comment

CAUAYAN CITY

CUNTAPAY

DAHIL

ISABELA

KALABOSO

NAPAG

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ROEL CUNTAPAY

SUBALIT

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with