Magnitude 6.1 lindol tumama sa Davao Occ
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa 88 kilometro timog-silangan ng bayan ng Don Marcelino ganap na 3:39 ng hapon.
May lalim na 10 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 4 sa bayan ng Governor Generoso, habang intensity 3 naman sa Glan, Sarangani Province; Mati City at Davao City.
Intensity 2 naman ang naranasan sa General Santos City at Intensity 1 sa M'lang, North Cotabato; Tupi at Koronadal City sa South Cotabato.
Nagbabala ang Phivolcs sa mga aftershocks.
- Latest