Magkapatid lunod sa hukay
CAVITE, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkapatid na batang lalaki makaraang malunod sa hukay na may tubig sa bakanteng lote sa Barangay Toclong, bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mag-utol na sina Mark Gerald Longos, 13; at George Longos, 9, mga nakatira sa nasabing barangay.? Ayon kay PO3 John Mellona, naganap ang insidente sa abandonadong lote sa nasabing barangay kung saan may malalim na hukay kung saan napuno ng tubig dahil sa patuloy na ulan. Nabatid na nagkayayaan ang mag-utol at dalawan nitong kaibigan na maligo sa hukay dahil sa may tubig. Lingid sa mga biktima ay lagpas-tao ang tubig kaya nalunod ang mas batang si George na naunang lumusong kaya tinangkang sagipin ni Mark pero maging siya ay nalunod.
- Latest