Sekyu dinedo ng kabaro
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Napatay ang 36-anyos na security guard makaraang ratratin ng kanyang kabarong sekyu dahil sa matinding alitan kaugnay sa kanilang tour of duty kamakalawa ng gabi sa loob ng compound ng Zero Raise Hole-out ng Filmenera Resources Corporation, Masbate Gold Project sa Barangay Panique, bayan ng Aroroy, Masbate. Hindi na umabot pa ng buhay sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Juan Maddela 36, sekyu ng Kublai Khan Security Agency at nakatira sa Barangay Ambolong sa nabanggit na bayan. Arestado naman ang suspek na si Richard Malacaste, 26, ng Barangay Panique sa nasabing bayan. Nabatid na nagalit ang biktima matapos na hindi nadatnan sa puwesto ang suspek kaya ipinatawag niya ito. Nagkasigawan ang dalawa na nauwi sa pamamaril ng suspek sa biktima.
- Latest