SUV nahulog sa tulay: 2 konsehal, 1 patay
MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi, kabilang ang dalawang konsehal habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa tulay ang sinasakyan ng mga itong SUV sports vehicle sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan nitong BiÂyernes ng hapon.
Ayon kay Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Gregorio Lim, dead-on-arrival sa Saint Paul Hospital sa Tuguegarao City ang dalawa sa mga biktima.
Kinilala ang mga nasawi na sina Sangunian Bayan members Rosendo Ruiz Jr, Orlando Campano; at ang sibilyang si Zenaida De leon.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang mga sugatang sina SB member Jamil Romeo Uy, Felomina Tulali at Romeo Pecson.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Lim na ang mga biktima ay lulan ng Mitsubishi Montero ( WRD -Â757 ) na minamaneho ni Uy ng maganap ang trahedya sa pakurbadang highway ng Brgy. Magical, Sto Niño dakong alas-5:30 ng hapon.
Ang mga biktima ay galing umano sa burol ng kaibigan ng mga itong si Hernan Pinapin ng Brgy. Tabang, Sto. Niño at pauwi na sa kanilang tahanan ng mawalan ng kontrol sa manibela si Uy.
Dahil dito ay sumalpok sa tabi ng barandilya sa highway ang behikulo, nagpagulong-gulong hanggang sa mahulog sa isang mataas na tulay sa lugar. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso
- Latest