Ambush: Pulis patay, asawa kritikal
BATANGAS , Philippines – Bulagta ang 38-anyos na pulis habang kritikal naman ang asawa nito matapos tambangan ng riding-in-tandem assassins sa panibago na namang karahasang naganap sa Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Christopher Olazo, hepe ng TaÂnauan PNP ang biktimang si PO2 Estratuto Bagsic ng Barangay Janopol, Tanauan City at naka-assign sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Vicente Lim, bayan ng Cabuyao, Laguna.
Naisugod naman sa CP Reyes Hospital ang asawa ni PO2 Bagsic na si Agnes matapos tamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan at tumagos sa kanang dibdib.
Samantala, walang nadaÂmay sa apat na anak ng mag-asawang Bagsic na may edad 14,13,11 at 9-anyos na kasalukuÂyang nasa pangangalaga ng Tanauan City Social Welfare and Development para sumailalim sa counselling dahil sa matinding takot sa nasaksihang krimen.
Nabatid na ihahatid sana ng asawang Bagsic ang apat na anak sa eskuwelahan sakay ng L-300 van (TLR-658) nang ratratin ng gunmen pagsapit sa Barangay Santor bandang alas-6:30 ng umaga.
“Kahit sugatan naitakÂbo pa ni PO2 Bagsic ang sasakyan nila nang ilang metro hanggang abutan uli ng gunmen malapit sa gate ng DBP Technopark bago pa uli pinagbabaril nang malapitan,†pahayag ni Olazo.
“Nagmumura ang gunmen habang binabaril si PO2 Bagsic, patunay lamang na matindi ang galit ng mga ito sa biktima,†dagdag pa ni Olazo.
Matapos ang pamamaril, sumibad patungo sa bayan ng Talisay ang tandem habang tangay naman ang service firearm ni PO2 Bagsic.
- Latest