^

Probinsiya

2 kawani ng NESC inutas ng hijackers

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Dalawang kawani ng steel company ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hijacker saka inabandona sa kahabaan ng Southern Luzon Expressway sa San Pedro City, Laguna kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang dalawa na sina Rey Albiar, 33, ng Trece Martirez, Cavite; at Roberto Yapot, 39, ng Barangay Mabini sa bayan ng Baras, Rizal, mga kawani ng Newtech Equipment Specialist Company sa San Agustin Village, Moonwalk, Parañaque City.

Sa police report, natagpuan ang bangkay ng dalawa sa madilim na bahagi ng perimeter fence ng southbound lane ng SLEX sa Barangay San Antonio bandang ala-1:45 ng mada­ling araw.

Bago maganap ang insidente, lumilitaw na magkasama sa trailer truck (TOV-429) ang mga biktima para mag-deliver ng mga high-beams at steel forms na nagkakahalaga ng P1.2 milyon.

Natagpuan ang abandonadong trailer bed ng truck malapit sa Estate Land Subdivision sa bayan ng General Trias, Cavite habang nawawala naman ang tractor head ng sasakyan.

May teorya ang pulisya na itinapon ang mga biktima sa nasabing lugar matapos haydyakin ang kanilang truck sa di-pa matukoy na lugar.

BARANGAY MABINI

BARANGAY SAN ANTONIO

CAVITE

ESTATE LAND SUBDIVISION

GENERAL TRIAS

NEWTECH EQUIPMENT SPECIALIST COMPANY

REY ALBIAR

ROBERTO YAPOT

SAN AGUSTIN VILLAGE

SAN PEDRO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with