^

Probinsiya

3 babae minasaker sa Magat River

Victor Martin at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng tatlong kababaihan makaraang pagbabarilin ng mga armadong lalaki saka inabandona sa pampang ng Magat River sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Rafael Pagalilauan, hepe ng Bambang PNP, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlong bitkima dahil walang natagpuang wallet at ID para mapagkilanlan sa mga ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang marinig ng mga residente ang limang putok ng baril at dahil sa takot ay hindi na nila nagawang puntahan ang lugar.

Bandang alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ng ilang residente ang mga bangkay sa hangganan ng Barangay Indiana, Bambang at Gabut sa Dupax del Sur.

Dalawa sa mga biktima ay magkatabi habang ang ikatlo naman ay natagpuan sa may 10 metro ang layo sa kaniyang mga kasamahan na pawang wasak ang mga mukha dahil sa matinding tama ng mga bala ng baril.

Natagpuan sa crime scene  ang mga packaging tape, basyo ng mga bote at mga lata ng beer na nagkalat sa crime scene.

vuukle comment

BAMBANG

BANDANG

BARANGAY INDIANA

CHIEF INS

DALAWA

MAGAT RIVER

NUEVA VIZCAYA

RAFAEL PAGALILAUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with