2 kolektor utas sa holdap
MANILA, Philippines - Dalawang kolektor ng lending business ang nasawi matapos na pagbabarilin ng tatlong hinihinalang mga holdaper sa Brgy. Poblacion, Kalawit, Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Sr. Inspector Joseph Ortega, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga nasawi na sina Noel Daarol at Remar Cano; kapwa 30 anyos, ng Duan Jhon Lending Corporation sa bayan ng Liloy sa lalawigan.
Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 pistol at kalibre 5.56mm sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sa ulat, bandang alas-10 ng umaga habang magkaangkas ang dalawang biktima sa kulay pulang Suzuki motorcycle na nangolekta ng pautang ng mga kliyente ng kanilang kumpanya nang pagbabarilin ng tatlong lalaki pagdaan sa kahabaan ng highway ng Sitio Pulo Langan, Brgy. Poblacion ng bayang ito.
Duguang tumilapon sa motorsiklo ang mga biktima at puwersahang kinuha sa kanila ang dalang bag na nagÂlalaman ng malaking halaga ng kanilang koleksyon.
- Latest





















