Negosyanteng misis itinumba
MANILA, Philippines - Napatay ang 44-anyos na negosyanteng misis matapos ratratin ng hindi kilalang lalaki sa isa na namang karahasang naganap sa Barangay New Panay, bayan ng Aleosan, North Cotabato kamakalawa ng umaga. Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jocelyn Kambel Kalod ng Barangay New Leon sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng Aleosan PNP, may bibilhin sana ang biktima sa pamilihang bayan ng New Panay nang lapitan at pagbabarilin matapos itong bumaba sa sinasakyang truck. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang kung saan pinaniniwalaang may matinding kaalitan ang nasabing trader.
- Latest