^

Probinsiya

Pulis, 3 iba pa tiklo sa pagtutulak ng shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang aktibong pulis, dating pulis at dalawa pa nilang kasamahan ang nadakip sa isang sting operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Misamis Occidental.

Nakilala ang mga suspek na si Police Officer 3 Wyriel Glodove, 32, ng Dulapo, Oroquieta City; dating Senior Police Officer 2 Thomas Lumontod, 57, ng Lower Langcangan; Joel Sordilla, 43, at 15-anyos niyang anak na kapwa taga Purok 6, Upper Loboc, Oroquieta City, Misamis Occidental.

Nasakote ang mga suspek nitong Mayo 12 sa  Purok 6, Upper Loboc matapos pagbentahan ni Sordilla ng dalawang pakete ng shabu ang isang undercover agent ng PDEA.

Nahuli naman sa aktong humihithit ng shabu sina Glodove, Lumontod at ang binatilyo sa loob ng bahay ni Sordilla.

Umabot s 50 pakete ng shabu ang nasamsam sa bahay ni Sordilla, habang kinumpiska rin ng mga awtoridad ang iba't ibang drug paraphernalia, kalibre .22 revolver, kalibre .38 revolver, tatlong cellphone, digital weighing scale, sealer, at P300 ginamit bilang marked money.

Dinala na sa PDEA RO 10 laboratory ang mga nakumpiskang mga ebidensya, habang nasa kustodiya ngayon ng PDEA RO 10 Satellite Office detention cell sa Oroquieta City ang mga suspek.

Nahaharap si Sordilla sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 12 (Possession of Equipment and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang makakasuhan sina Glodove at Lumontod ng paglabag sa Sections 7 (Visitors of a Drug Den), 11, 12 at Section 15 (Use of Dangerous Drugs).

DRUG DEN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

GLODOVE

JOEL SORDILLA

LOWER LANGCANGAN

MISAMIS OCCIDENTAL

OROQUIETA CITY

SORDILLA

UPPER LOBOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with