^

Probinsiya

Sekyu dedo sa magnanakaw

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO , Philippines   â€“ Napatay ang 36-anyos na security guard makaraang barilin ng isa sa apat na magnanakaw na manloob sa kanyang binabantayang pawnshop sa panulukan ng Sk Pendatun Avenue, at Bonifacio Street sa Poblacion 6, Cotabato City, Maguindanao noong Sabado ng umaga. Napuruhan sa dibdib si Rick Boy Umpacan ng Balas, Kalanganan sa nasabing lungsod. Lumilitaw na binabantayan ng biktima ang P’Mark Pawnshop nang bigla na lamang may humintong dalawang motorsiklo  sakay ang apat na maskaradong lalaki. Lumapit sa biktima ang isa sa mga kawatan at tinangkang agawin sa hawak na shotgun pero nanlaban si Umpacan kaya napilitang itong putukan. Kahit sugatan ay nagawang putukan ng biktima ang isa sa kawatan kaya hindi naisagawa ang pagnanakaw. Kaagad na nagsitakas ang apat at walang natangay sa nasabing pawnshop.

BONIFACIO STREET

COTABATO CITY

KAAGAD

KAHIT

KALANGANAN

LUMAPIT

LUMILITAW

MARK PAWNSHOP

RICK BOY UMPACAN

SK PENDATUN AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with