^

Probinsiya

2 senglot lunod sa ilog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa dalawang kalalakihan makaraang malunod sa gitna ng kanilang pagtatampisaw sa Cagayan River sa magkahiwalay na insidenteng naganap sa mga bayan ng Gamu at San Agustin, Isabela kamakalawa. 


Kinilala ng pulisya ang nalunod na tanod na si Luis Oblino Haromay, 45, ng Barangay Distrito 3, bayan ng Gamu, Isabela. Napatid na tumalon ang biktimang si Haromay na sinasabing lango sa alak sa malalim na bahagi ng ilog sa gitna ng kasiyahan ng kanilang picnic subalit nabigo itong lumutang.

Agad sinisid ng kanyang mga kasamahan ang biktima subalit patay na ito nang maiahon sa pampang.  


Samantala sa bayan ng San Agustin, tanging si Romy Mateo, 38, farm helper ang hindi nakatawid sa kabilang pampang ng ilog nang mag-unahan lumangoy noong Sabado sa Barangay Palasyan.

Kahapon lamang narekober ang bangkay ng biktima matapos itong lumutang.

 

BARANGAY DISTRITO

BARANGAY PALASYAN

CAGAYAN RIVER

GAMU

HAROMAY

ISABELA

KAHAPON

LUIS OBLINO HAROMAY

ROMY MATEO

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with