^

Probinsiya

P14-M marijuana nasamsam

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Umaabot sa mahigit P14 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam at sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya kasunod ng isinagawang raid “OPLAN Golden Green Bush” sa iba’t ibang plantasyon sa bulubunduking bayan ng Kibungan, Benguet kamakalawa. Sinabi ni Emily Fama, Regional Chief of Staff ng PDEA-Cordillera Administrative Region  na mahigit 70 puno ng marijuana, 2,000 binhi, 9 kilo ng pinatuyong dahon at tatlong kilo ng buto ng marijuana ang kabuuang nasamsam ng kanilang operatiba sa 21 plantation sites na may kabuuang 8,660 metriko kuwadrado ang lawak sa Sitio Leyeng, Bagiw, Gingaw, Bitu at Lingey sa Brgy. Tacadang at sa Sitio Balbalnag, Teb-teb, Batuan, Tataan at Lucoc sa Brgy. Badeo ng munisipyo ng Kibungan, Benguet.
Walang naarestong cultivator o anumang personalidad ang mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication operation.

 

BADEO

BENGUET

BRGY

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EMILY FAMA

GOLDEN GREEN BUSH

KIBUNGAN

REGIONAL CHIEF OF STAFF

SITIO BALBALNAG

SITIO LEYENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with