^

Probinsiya

Mister kinatay ni misis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos maputol ang leeg ng isang mister nang karitin ng pangtabas ng damo ng sarili nitong misis na hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa sa ibang bahagi ng katawan hanggang sa mapatay makaraan ang mainitang pagtatalo sa Poblacion, Siayan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Otto, 34-anyos, isang magsasaka, dead-on-arrival sa Siayan Diagnostic Center sa tinamong malalim na laslas ng karit sa leeg at sugat sa iba pang bahagi ng katawan nito.

Nahaharap naman ngayon sa kasong parricide ang misis nitong kinilala namang si  Jinky  Mendoza Otto, 37-anyos.

Sa ulat, sinabi ni Sr. Inspector Robert Ortega , Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang malagim na krimen sa loob ng tahanan ng mag-asawa sa nasabing lugar dakong alas-7:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kapwa nasa impluwensya ng alak ang mag-asawa nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa hindi natukoy na problema sa kanilang pamilya hanggang sa karitin sa leeg ng suspek ang kanyang mister at hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa.

Nasakote  naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang nasabing misis sa pinagtaguan nitong bahay ng kapatid na babae sa nasabing bayan.

 

vuukle comment

AYON

JIMMY OTTO

JINKY

KINILALA

MENDOZA OTTO

NAHAHARAP

NASAKOTE

POLICE REGIONAL OFFICE

SIAYAN DIAGNOSTIC CENTER

SR. INSPECTOR ROBERT ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with