Bus vs truck: 3 utas, 25 grabe
QUEZON , Philippines – Tatlo-katao ang kumpimadong namatay habang 25 iba pa ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang pampasaherong bus at dump truck sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Lalig, bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga namatay na sina Remedios Montano Sangrones, 65; Alyssa Rosanne Singayan, kapwa nakatira sa Las Piñas City habang namatay naman sa Peter Paul Hospital sa bayan ng Candelaria, Quezon si Eden Sangrones, 37, ng Las Piñas City.
Kabilang naman sa nasuÂgatan ay ang driver ng bus na si Jovanne Empesta at kondoktor nitong si Emerald Barbas.
Sa police report na nakarating kay P/Supt. Laudemer Llaneta, hepe ng Tiaong PNP, binabagtas ng JAM Bus Liner (TWZ-661) na minamaneho ni Jovanne Empesta ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo sa Lucena City nang banggain ito sa kaliwang unahan ng Hyundai dump truck (UHK-965) ni Arwin Manalo ng Sariaya, Quezon.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nawalan ng kontrol sa manibela si Empesta at tuluyang bumaliktad ang bus kung saan makailang ulit na sumirko sa layong 40-metro kaya naipit at na-trap ang lahat ng pasahero nito.
- Latest