^

Probinsiya

Ama, 2 anak at apo minasaker

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng apat na miyembro ng isang pamilya makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa liblib na bahagi ng Sitio Tubigan sa Barangay Labunan, bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro, kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga napatay ay ang ama na si Hector Saulong, 50; mga anak na sina Rick Rick, 25; Stephanie, 23; at ang apo ni Hector na si Prince Clarence, 2.

Sa phone interview, sinabi ni Oriental Mindoro PNP director P/Senior Supt. Ronaldo de Jesus, nakaligtas naman ang misis ni Hector na si Josephine, 43, dahil nakapagtago ito sa palikuran na nasa labas ng bahay.

Ayon sa opisyal, nakilala mismo ni Josephine ang dalawa sa apat na suspek matapos niyang masilip sa siwang ng kanilang palikuran habang papatakas ang mga ito kung saan nakumpirmang isa nilang kamag-anak ang nanguna sa krimen.

Samantala, dalawa rin sa mga suspek ang inimbitahan at sumasailalim sa masusing imbestigasyon na tumanggi muna itong pangalanan dahil patuloy pa ang dragnet operation laban sa dalawa pang suspek.

Gayon pa man, unang anggulo ang sinisilip kung saan alitan sa lupa at ang ikalawa ay personal na sigalot kaugnay sa pagpatay ng kanilang kamag-anak sa panganay na anak ni Saulong na may 3 buwan pa lamang ang nakalipas.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LABUNAN

BONGABONG

GAYON

HECTOR SAULONG

ORIENTAL MINDORO

PRINCE CLARENCE

RICK RICK

SENIOR SUPT

SITIO TUBIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with