PNP camp ni-raid ng NPA: 2 pulis tumba
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines - Patay ang dalawang Pulis at sugaÂtan naman ang dalawa rin sa mga kasamahan nito matapos salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army ang kampo sa Regional Public Safety Batallion sa Barangay Aguid, bayan ng Sagada, Mt. Province kamakalawa. 

Hindi muna inihayag ni Mt. Province PNP director P/Senior Supt. Oliver Enmodias ang pangalan ng mga napatay at sugaÂtang pulis habang ipinapaabot pa sa kanilang mga kaanak ang naganap na insidente.
Ayon kay Enmodias, maliwanag na lumabag sa pinapairal ng lokal ng pamahalaan sa bayan ng Sagada bilang “Peace Zone†ang nasabing lugar matapos nilang paalisin ang kampo ng Army 54th Battalion sa nasabing barangay nitong mga naunang buwan lamang. 

Magugunitang nakaÂsaad sa peace zone declaration na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan at konseho ng tribal elders ang paglalagi ng mga armadong kasapi ng militar at rebelde sa kanilang bayan. 

Nabasag ang katahimikan sa bayan ng Sagada matapos ang madugong ambush ng NPA rebs sa mga nag-eensayong police trainees sa bayan ng Tadian na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng halos isang dosenang kasamahan nito noong Hunyo 2013.

Umapela ang lokal na pamahalaan na ihinto na ng pulisya at militar ang pagsasagawa ng operasÂyon sa Sagada kasunod ng pananambang ng mga NPA sa Tadian.

Noong Pebrero 2014 ay muling nanunbalik ang peace zone hanggang sa maganap na naman sa Sagada ang pinakahuling pagsugod ng mga rebelde sa kampo ng mga pulis kung saan naptay ang dalawang pulis.
- Latest