^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa 2 parak, tukoy na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa 2 parak, tukoy na
Sa report kahapon ng Police Regional Office 3 PRO3, nahuli sa follow-up operation ang isa sa mga suspek na si alyas “Dado”, 38 sa bayan ng Pandi at napag-alamang residente ng Brgy. Bunsuran.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tukoy na ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na nakatakas at nakapatay sa dalawang pulis sa kasagsagan ng buy-bust operation kontra sa iligal na armas sa Sitio Tugatog, NIA Road Brgy. Tambubong, Bocaue nitong Marso 8 ng tanghali.

Sa report kahapon ng Police Regional Office 3  PRO3, nahuli sa follow-up operation ang isa sa mga suspek na si alyas “Dado”, 38 sa bayan ng Pandi at napag-alamang residente ng Brgy. Bunsuran.

Nakumpiska sa suspek ang caliber .38 revolver na walang serial number, hand grenade, Rusi 125 motorcycle with sidecar  at buy-bust money.

Ayon sa report, isa namang alyas “Athan”, ang isa pang suspek na nakatakas at tumangay ng service firearms ng mga napaslang na pulis na sina PStaff Sergeants Dennis Cudiamat at Gian George Dela Cruz.

Patuloy ang pagtugis ng puwersa ng pulisya sa nakatakas na suspek na sinasabing mapanganib dahil armado ng baril ng mga biktima.

Nagluluksa  ang hanay ng pulisya dahil sa dalawang kasamahan nilang itinuturing na bayani ng mamamayan ang nagbuwis ng buhay para sa bayan.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with