^

Probinsiya

Vlogger feeling ‘snail man’ sa highway, kakasuhan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vlogger feeling ‘snail man’ sa highway, kakasuhan!
Sa ulat, nitong Lunes ng umaga ay nag-viral sa social media ang ginawa ng kontrobersyal na vlogger na si Brian Emnace na mas kilalang “Boss LB” sa Facebook na habang naka-costume ng isang “suso” na kulay berde ay gumapang ito sa highway habang naka-red pa ang traffic light.
STAR/File

Nagdulot ng buhul-buhol na trapiko

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa isang vlogger na binansagang “Snail Man” matapos na gumapang sa highway ng Consolacion, Cebu na nagbunsod ng buhul-buhol na trapiko.

Sa ulat, nitong Lunes ng umaga ay nag-viral sa social media ang ginawa ng kontrobersyal na vlogger na si Brian Emnace na mas kilalang “Boss LB” sa Facebook na habang naka-costume ng isang “suso” na kulay berde ay gumapang ito sa highway habang naka-red pa ang traffic light. Bigla naman siyang bumangon at nagtatakbo nang magsimula nang umandar ang mga behikulo. Bunsod nito, nagulantang ang mga motorista, bystanders, at commuters sa ginawa nitong eksena kaya nagsanhi ng paninikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

Ang video ng nasabing vlogger ay umabot na ng 1.2 milyong views at patuloy pang tumataas.

Dahil sa idinulot na matinding perwisyo sa lansangan, humingi ng sorry o paumanhin si Boss LB matapos na ginawang content ang pagsusuot ng costume ng kuhol at paggapang sa highway ng Consolacion.

Sa huling video post na ipinost ni Boss LB, nagtungo na siya sa himpilan ng Consolacion Municipal Police Station (MPS) at nakipag-usap sa mga opisyal para hu­mingi ng sorry sa kaniyang ginawa matapos na mabatid na pinaghahanap siya ng mga awtoridad.

“Hihingi ako ng patawad sa aking mala­king kasalanan na ­aking ginawa. Hindi iyon magandang gawin at nakadulot ako ng gulo at trapik sa Consolacion,” ani Emnace sa isang television interview.

Sa pahayag naman ni P/Lt. Col. Wilbert Parilla, hepe ng Highway Patrol Group sa Region 7, bagama’t tinatanggap na nila ang sorry ni Boss LB ay tinitingnan at masusi nilang pinag-aaralan kung anong kaso pa ang maaaring isampa rito.

Aniya, hindi tama ang ginawa ni Boss LB dahil nagdadala ito ng “public disturbance” bukod pa sa lubhang delikado ito lalo na kung ikipapahamak pa ng nasabing vlogger ang insidente.

Binigyang diin ni Parilla na dapat turuan ng leksiyon si Boss LB upang hindi na pamarisan pa ng iba .

“We will look at possible laws and ordinance na na-violate niya para hindi na tularan pa ng iba,” ani Parilla.

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with