^

Probinsiya

Chinese tinakasan ang P9.4-M hotel bills, inaresto

Raymund Cantindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nasakote ang isang 52-anyos na negosyanteng Chinese national matapos nitong takbuhan ang P9.4 milyon na bayarin sa tinuluyang Hotel-Casino sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Complex sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. 


Sa ulat kay Cagayan Valley­ Police Director Chief Supt. Miguel Laurel; kinilala ang dinakip na si Li San Ting, tubong Shanxi, China.


Sa imbestigasyon, duma­ting at nanuluyan si Li sa Eastern Hawaii Leisure Company Ltd. mula Hulyo 31, 2013 hanggang  Marso 25, 2014 at umabot ang  bayarin sa halagang P9.4 milyon. 


Nadakip ng mga kasapi ng security ng Hotel-Casino ang suspek habang nag-aabang ng masasakyang bus patakas ng Sta. Ana, Brgy. Rapuli. halos mamuti ang mata ng suspek sa pag-aantay ng bus dahil sa walang kaalam alam na ang tanging bus na pumapasok sa bayan ay nasuspinde ng LTFRB ng anim na buwan sa pagkakasangkot  sa sakuna sa Bontoc na ikinamatay ng 14 katao. 
Nakapiit na sa Bureau of Jail Management and Pe­nology sa Aparri ang nasabing Tsino matapos itong mabigong piyansahan ang sarili sa halagang P60,000 sa kasong estafa.

vuukle comment

APARRI

CAGAYAN ECONOMIC ZONE AUTHORITY

CAGAYAN VALLEY

EASTERN HAWAII LEISURE COMPANY LTD

HOTEL-CASINO

LI SAN TING

MIGUEL LAUREL

POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with