Dinukot na bise-alkalde sa Basilan nakalaya na
MANILA, Philippines – Nakalaya na ang 20-anyos na bise-aklade sa probinsiya ng Basilan matapos dukutin nitong kamakalawa.
Kinumpirma ni Zamboanga City police director Senior Superintendent Angelito Casimiro ang paglaya ni Arsina Kahing Nanoh, bise-alkalde ng Hadji Mutamad, Basilan.
Inamin ni Casimiro na hindi kaagad ipinaalam sa kanila ang paglaya ni Nanoh na may negosyong alahasan.
Sinabi ng police Anti-Kidnapping Group (AKG) na ang asawa ng biktimang si Alnajil Nanoh ang nagbigay ng impormasyon na nakalaya na ang kanyan asawa at lumipa pa-Maynila kagabi.
Si Alnajil ang nagsuplong sa mga awtoridad na dinukot ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang asawa sa loob ng isang shopping mall Martes ng hapon.
Napag-alamanang may dalang P300,000 halaga ng alahas at perang nagkakahalagang P50,000 si Nanoh nang dukutin ng armadong kalalakihan.
- Latest