Misis dinedo ng lover
CAVITE , Philippines – Napaslang ang 20-anyos na babae matapos pagbabarilin ng kanyang lover dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay Bucandala sa Imus City, Cavite. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Angelyn Maglagui ng Bahayang Pag-asa sa Barangay Bagtas, bayan ng Tanza, Cavite habang pinaghahanap naman ang suspek na si Gaudencio Dime Santarin II, 40, ng nabanggit ding barangay. Ayon kay P03 Alan Reyes, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa suspek sa loob ng kanilang bahay kung saan nakarinig ang mga kapitbahay ng putok ng baril. Dito na nagmamadaling lumabas ng bahay ang suspek bago pa dumating ang mga awtoridad.
- Latest




















