3 utas sa karahasan
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na napatay sa magkakahiwalay na karahasang naganap sa mga bayan ng Cuyapo, Licab at Gapan City, Nueva Ecija noong Biyernes. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija PNP director, kinilala ang mga napaslang na sina Maritess Dacoco-Cortez, 33, ng Barangay Tagtagumba sa bayan ng Cuyapo; Jose Magno, 52, ng Purok 3, Barangay San Jose, Licab; at isang di-kilalang lalaki. Base sa ulat, si Cortez ay niratrat ng riding-in-tandem sa nasabing barangay habang si Magno naman ay pinagbabaril din ng tandem sa nasabing bayan. Samantala, pinatay naman sa saksak ang di-kilalang lalaki sa Brgy. Mangino sa Gapan City.
- Latest
















