2 Army dakma sa robbery extortion
MANILA, Philippines - Dalawang nagpakilalang sundalo ng Philippine Army na sinasabing sangkot sa robbery extortion ang inaÂresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa bahagi ng Maharlika Highway, Cabanatuan City sa Nueva Ecija noong Martes ng hapon.
Kinilala ni PNP-Anti-CyberÂcrime Group Cyber Response Team Director P/Supt Gilbert Sosa ang mga suspek na sina 1st Lt. Darrel Silva Morales, at Jose Angeles Suva –Viola II; enlisted personnel ng Phil. Army at kapwa nakatira sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Bandang alas-4:30 ng hapon nang masakote ang dalawa sa Rustica ResÂtaurant matapos ang entrapment operation ng mga tauhan ni Sosa at Cabanatuan City PNP.
Isinagawa ang entrapment matapos na magreklamo ang may-ari ng call center na si Alicia Holgado laban sa mga suspek na nagpakilalang opisyal ng Philippine Army.
Nabatid na nagtungo sa kaniyang opisina ang mga suspek kung saan nanghihingi ng protection money kung saan nakipag-ugnayan naman ang biktima sa kinaÂukulang ahensya ng pamahalaan kaya nasakote ang dalawa.
Sa isinagawang beripikasyon ng pulisya sa Philippine Army, sinabi ng Deputy Spokesman Captain Anthony Bacus na wala sa rooster ng kanilang hukbo ang mga suspek kaya mga peke ang mga ito.
“Upon checking, we found out that they were not in the rooster of Philippine Army, the ID’s confiscated from Morales belongs to an enlisted personnel,†pahayag pa ng opisyal.
Nasamsam sa mga suspek ang bushmaster cal. 223-5.56mm, shotgun, dalawang mobile phones, 4-wheel Kennedy-type jeep, P 1,480 cash, sari-saring ID kabilang ang dalawang AFP IDs na pag-aari ni Morales na may numerong A11-E-35431 at AFPSN 815663.
- Latest