^

Probinsiya

90-anyos na lolo pinugutan ng ulo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng anggulo umano ng alitan sa lupa matapos na pugutan ng ulo ang isang lolo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa maisan nito sa Sitio Bugtong Narra, Brgy. Tupang, Alcala, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Insp. Dennis­ Pamor, hepe ng pulisya sa bayang ito ang  biktima na si Pablo Pillos na sinasabing naiwan lamang mag-isang nagbabantay sa kanyang maisan bagama’t mayroon itong sariling bahay sa Brgy. Centro Sur sa na­sabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, may nakakita sa mga suspek na kinilalang sina Tirso Bristol at Robert Pillos, kamag-anak ng biktima na bumili pa ng Ginebra sa tindahan ni Ro­nald de los Santos  bago ang mga ito naglakad patungo sa  kinaroroonan ng kubo ng matanda. Sinabi naman ng kapitbahay ng biktima na si Sixto Pagadduan, 95-anyos, dalawang lalaki ang nakita niyang lumabas sa kubo ng matanda noong gabing maganap ang krimen.

Samantala, ang nakitang dalawang bote ng Ginebra na may bahid pa ng dugo ay pinaniniwalaang siyang binili ng mga suspek sa tindahan.

Nabatid pa na may ti­lamsik­ din ng natuyong dugo ang pantalon ni Bristol nang anyayahan ito sa presinto. Narekober din mula sa mga ito ang gulok na pinaniniwalang ginamit sa brutal na pagpatay sa ma­tanda.

 

BRGY

CENTRO SUR

GINEBRA

PABLO PILLOS

ROBERT PILLOS

SITIO BUGTONG NARRA

SIXTO PAGADDUAN

SR. INSP

TIRSO BRISTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with