Stude lumaklak ng silver cleaner
BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya at eskuwelahan ang 19-anÂyos na estudyanteng nag-suicide matapos itong lumaklak ng silver cleaner sa loob ng sementeryo sa Barangay Umboy, Malolos City, Bulacan, kamakalawa ng hapon.
Bumubula pa ang bibig nang matagpuan ang biktimang si Jerry Ople, computer science student sa Saint Amatiel Computer School at residente sa Barangay Sto. Rosario.
Sa imbestigasyon ni PO3 Lowell Lorenzo, huÂling namataan nina Carina Acuña at Revie Lorenzo ang biktima na nakaupo sa loob ng semeteryo at umiinom ng soda dakong alas-2:30 ng hapon.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumagsak ang biktima mula sa kinauupuan kung saan naghihingalo at bumubula ang bibig.
Nang rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ay natagpuan sa tabi nito ang isang bote ng softdrink at maliit na bote na sinasabing silver cleaner na ginamit ng biktima para salubungin si Kamatayan.
- Latest





















