^

Probinsiya

Sundalo, 2 pa tiklo sa drug bust

Angie de la Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang enlisted military personnel at dalawang iba pa matapos na masangkot sa pagbebenta ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo  Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina  Allan Quismundo, 38, binata at dalawa iba pa na sina Brian, 30 at Jonalyn Aban Lansang, 24 pawang walang trabaho ng Caloocan City.

Sinasabing si Quismundo ay isang aktibong miyembro ng Philippine Army na may ranggong Staff Sergeant at kasa­lukuyang nakatalaga sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Bandang alas-7 ng umaga kamakalawa ng magsagawa  ng buy-bust-operation ang PDEA sa CM, Barangay 24, Gingoog­ City, Misamis Oriental na nagresulta sa pagkakahuli sa tatlong suspek.

Nakumpiska mula sa  mga ito ang ilang plastic sachet na may lamang 10 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia .

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal ay nakakulong na sa PDEA Region 10 detention facility.

 

 

ALLAN QUISMUNDO

CALOOCAN CITY

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GINGOOG CITY

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JONALYN ABAN LANSANG

MISAMIS ORIENTAL

PHILIPPINE ARMY

STAFF SERGEANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with