2 tanod, kinidnap
MANILA, Philippines - Dinukot ng umano’y mga armadong illegal na mangiÂngisda ang dalawang miÂyembro ng Brgy. Police Laban sa Krimen (BPLK) habang nagpapatrulya sa karagatan ng Brgy. Nonoc, Surigao City, Surigao del Norte, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Bernaldo Plaza at Rogelio Liquido; pawang nasa hustong gulang at mga residente ng naturang barangay.
Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, dumulog sa himpilan ng pulisya kamakalawa ng hapon si Eleuterio Rendon, Brgy. Chairman sa nabanggit na barangay at iniÂulat ang dalawang araw na pagkawala ng dalawa nilang tanod.
Ayon kay Rendon sina Plaza at Liquido ay inatasan niyang magpatrulya sa ‘fish sanctuary’ dakong ala-1 ng madaling-araw noong Enero 16 sa karagatan ng kanilang lugar kaugnay ng ulat na maraming mga illegal na mangingisda ang guÂmagamit ng dinamita ang nagsasamantala rito.
Gayunman, kamakalawa ng hapon ay nakabalik na ang kasamahan nina Plaza at Liquido na si Wenifredo Billones na nakaligtas sa insiÂdente at iniulat kay Rendon na dinukot ng mga illegal na mangingisda ang dalawa niyang kasamaÂhang BPLK members.
- Latest