^

Probinsiya

Misis dakma sa drug smuggling

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng 38-anyos na misis ng arestuhin ng mga awtoridad sa tangkang pagpupuslit ng bawal na droga sa loob ng kulungan sa Barangay Amas, Kidapawan City, North Cotabato kahapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Sumbra Akmad Uray, magsasaka at residente ng Barangay Kitulaan, bayan ng Carmen, North Cotabato. Batay sa report, magdadala sana ng mga itlog ang suspek sa kanyang kamag-anak na si Farida Tanggok na nakakulong nang rekisahin ng guwardiya ang basket na kanyang bitbit. Gayon pa man, nadiskubre ang mga plastic sachets ng shabu sa ilalim ng basket na natatakpan ng mga itlog. Ito na ang ikatlong babaeng bisita na naaresto sa pagpupuslit ng bawal na droga papasok ng kulungan.

vuukle comment

BARANGAY AMAS

BARANGAY KITULAAN

BATAY

FARIDA TANGGOK

GAYON

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

PORMAL

SUMBRA AKMAD URAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with