^

Probinsiya

Mag-asawa inakyat-bahay, anak kinidnap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P20,000 cash ang natangay sa mag-asawa matapos looban ng mga di-kilalang lalaki bago kinidnap pa ang kanilang anak kamakalawa ng gabi sa bayan ng Payao, Zamboanga Sibugay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang kinidnap na si Alexa de la Cruz, 5.

Bandang alas-9:35 ng gabi nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang tahanan ng mag-asawang Alejando at Minda de la Cruz sa Barangay Kima.

Nabatid na nanonood ng telebisyon ang mag-asawa habang naglalaro naman ang anak nang pumasok at magdeklara ng holdap ang mga armadong lalaki.

Hindi na pumalag ang mag-asawa na ibinigay sa mga kawatan ang P 20,000 cash.

Gayon pa man, sinunggaban ng mga kawatan ang bata at tinangay sa kanilang pagtakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

 

vuukle comment

ALEJANDO

ALEXA

BANDANG

BARANGAY KIMA

CAMP CRAME

CRUZ

GAYON

MINDA

NABATID

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with