^

Probinsiya

Wanted na ex-pulis arestado

Michelle Zoleta at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang nadismis na pulis na sinasabing wanted sa serye ng robbery/holdup matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang raid sa kabundukang bahahi mg Barangay Udia, bayan ng Cavinti, Laguna kamakalawa.

Sa ulat ni  P/Senior Inspector Marlon Calonge, hepe ng Cavinti PNP, nakilala ang suspek na si ex-SPO2 Ruelito Roxas, da­ting nakatalaga sa Southern Tagalog Region at nakatira sa Lucena City, Quezon.

Nabatid na natunton ng mga operatiba ng pulisya ang pinagtataguan ng suspek sa nasabing barangay matapos ipagbigay-alam ng ilang residente ang naganap na indiscriminate firing.

Matapos ang negosasyon sa tulong ng pamil­ya nito na bumiyahe pa sa Cavinti mula sa Lucena City ay mapayapang napasuko si Roxas.

Si Roxas na nag-amok sa kubo na pag-aari ni Ka Toring ay sumuko sa pulisya.

Sinasabing si Roxas ay may kaso ring frustrated homicide kaugnay sa pamamaril sa dalawang motorista sa Laguna at isang estud­yante sa Tayabas City.

Itinuturo rin si Roxas na naghagis ng granada sa Market View sa Lucena City, Quezon.

Nasamsam kay Roxas ang anim na baril kabilang ang ilang cal. 9mm pistol at cal. 45 pistol.

vuukle comment

BARANGAY UDIA

CAVINTI

KA TORING

LUCENA CITY

MARKET VIEW

QUEZON

ROXAS

RUELITO ROXAS

SENIOR INSPECTOR MARLON CALONGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with