Obrero dedo sa suntok ng pinsan
LUCENA CITY, Philippines - – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang obrero matapos na makipagsuntukan sa kanyang sariling pinsan sa Purok 1, Brgy. Bocohan ng lungsod na ito, kamaÂkalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daryl Endonila, 26, samantalang naaresto naman ang suspek na pinsan nitong si Dennis Villegas, 27, kapwa mga nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang mag-pinsan at nang kapwa malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan. Habang nagpapambuno umano ang dalawa ay kapwa sila nahulog sa mabatong tabing ilog na ang ulo ng biktima ay tumama sa bato na naging sanhi upang ito ay panandaliang mawalan ng ulirat. Sinundan pa ito ng suntok sa ulo ng suspek hanggang sa tuluyang magkikisay. Hinihinala ng sumuring doktor na internal hemmorage ang ikinamatay ng biktima.
- Latest