^

Probinsiya

Guro na bihag ng Sayyaf laya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang dinukot na guro sa Basilan matapos na abandonahin ang biktima kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Zamboanga.

Kinilala ang nakalayang bihag na si Saharina Salvador Francisco pero nananatili pa ring hawak ng mga kidnapper ang mister nitong si Pilardo Francisco, ang nagwaging Brgy. Chairman sa Brgy. Landugan, Lantawan, Basilan noong Oktubre 28 sa Brgy. elections polls sa lugar.

Ang mag-asawa ay dinukot ng mga bandido matapos harangin ang bangkang sinasakyan ng mga ito sa karagatan ng Basilan noong Nobyembre 16 ng taong ito.

Base sa ulat, si Saharina ay ibinaba ng mga kidnapper na lulan ng pump boat sa dalampasigan ng R. T. Lim Boulevard malapit sa Philippine Ports Authority (PPA) sa Zamboanga City dakong alas-5:30 ng umaga.

Ang biktima ay agad na­mang tumuloy sa pier at sumakay sa unang trip ng pampasaherong fast craft pabalik sa lalawigan ng Basilan kung saan ang insidente ay inireport naman sa pulisya ni Jamil Salvador, kapatid ng nasabing guro. Nagpapatuloy ang negosasyon upang pakawalan ng mga kidnapper ang bihag na Brgy. Chairman.

ABU SAYYAF GROUP

BASILAN

BRGY

JAMIL SALVADOR

LIM BOULEVARD

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

PILARDO FRANCISCO

SAHARINA SALVADOR FRANCISCO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with