^

Probinsiya

16 nasagip sa lumubog na bangka

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   â€“ Nasa malubhang kalagayan ang 65-anyos na lola habang nagpapagaling naman ang 15-iba pa makaraang lumubog ang motorized banca na sinasabing sinalpok ng malakas na alon sa karagatan ng Barangay Silongin sa bayan ng San Francisco, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Bondoc Peninsula District Hospital ang lolang si Maura Permejo habang sumasailalim sa debfriefing ang mga nakaligtas na sina Reynante Marca, Jellie, Jelen, Eveleyn, Jerwin, pawang may apel­yidong Marca; Jerry Raba, Eddie Quindoza, Precy Quindoza, Boyet Llaneta, Ignacio Patiag, Renz Rex Revira, Nilo Revira, Disodado Tunacao at ang may-ari ng bangka na si Elenito Reyes.

Sa inisyal na imbestigas­yon, papadaong na sana ang bangka na may layong 50 metro sa dalampasigan nang salpukin ito ng malalaking alon kung saan unti-unting lumubog.

Kaagad naman rumes­ponde ang mga awtoridad at nailigtas naman ang mga biktima subalit kasamang lumubog ng bangka ang mga kagamitan.

BARANGAY SILONGIN

BONDOC PENINSULA DISTRICT HOSPITAL

BOYET LLANETA

DISODADO TUNACAO

EDDIE QUINDOZA

ELENITO REYES

IGNACIO PATIAG

JERRY RABA

MAURA PERMEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with