^

Probinsiya

7 katao utas sa sunog

Rhoderick Benez at Angie Dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Pito-katao ang iniulat na sinalubong ni kamatayan matapos makulong sa nasusunog sa tatlong gusali sa bayan ng Manay, Davao Oriental kamaka­lawa ng gabi.

Sa report ng lokal na Bureau of Fire Protection, kinilala ang mga namatay na sina Emily Diabakid, Ailyn­ Andoyo, Junelie Cabrera, Bernadeth Bodadong, Joseph Tingal, Jubert Tingal, at si John Agusete na pawang trabahador sa tindahan ng pintura.

Ayon kay FO2 Jessie Duarte ng Manay Fire Station, naganap ang sunog dakong alas-11 ng gabi noong Huwebes sa Barangay Poblacion kung saan nasunog ang Palomares Store at dalawa pang establisyemento na katabi.

Bandang alas-3 ng madaling araw kahapon ay tuluyang naapula ang sunog kung saan nakita ang pitong katawan ng mga biktima na halos magkakadikit ang katawan.

Sinasabing magkakasamang natutulog ang mga biktima at hindi na nakalabas pa mula sa nasusunog na mga gusali.

Tinatayang aabot naman sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang inisyal na danyos na iniwan sa nasabing sunog habang patuloy pa ang imbes­tigasyon.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BERNADETH BODADONG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAVAO ORIENTAL

EMILY DIABAKID

JESSIE DUARTE

JOHN AGUSETE

JOSEPH TINGAL

JUBERT TINGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with