^

Probinsiya

3-anyos napatay sa palo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 3-anyos na nene matapos itong pagpapaluin ng kanyang 15-anyos na tiyuhin sa Barangay San Juan, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Balagtas Doctor’s Hospital ang biktimang si Jaira Macapagal na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan partikular sa ulo. Kasalukuyan namang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Jerry, tiyuhin ng biktima at kapwa nakatira sa Ma. Corazon Subdivision sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Sheena Tandingan, nadatnan ng ama ang kanyang anak na si Jaira na may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya isinugod ito sa ospital. Sa pagsusuri ng mga doctor, lumilitaw na may palatandaang pinagpapalo ang biktima kung saan naunang sinabi ng suspek na nahulog sa bintana.

 

vuukle comment

AYON

BALAGTAS

BALAGTAS DOCTOR

BARANGAY SAN JUAN

BULACAN

CORAZON SUBDIVISION

JAIRA

JAIRA MACAPAGAL

KASALUKUYAN

NAPATAY

SHEENA TANDINGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with