Ina, misis inutas ng adik na mister
MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 62-anyos na lola at manugang nito matapos na pagtatagain ng adik na mister na anak ng matanda sa Brgy. Poblacion, bayan ng Pangantucan, Bukidnon, ayon sa opisyal kahapon. Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Mitchel Clemenzo, hepe ng Pangantucan PNP na hindi agad naiulat sa pulisya ang insidente dahil nagluluksa ang pamilya ng mga biktimang sina Felisa Tiongson, 62; at Soraida, 29, kapwa nakatira sa Maharlika Village sa nasabing barangay. Arestado naman ang suspek na si Femerces Tiongson, 32, anak ni Felisa at mister ni Soraida. Sinabi ni Clemenzo, napaulat ang insidente sa pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga may dalawang araw na ang nakalipas. Napag-alamang pinagtataga ng suspek na sinasabing lango sa droga ang kanyang ina at asawa habang natutulog sa kanilang bahay.
- Latest
- Trending