^

Probinsiya

HVI timbog sa P6.8 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang isang 36-anyos na lalaki na  umano’y “high-value indivi­dual”  sa kalakalan ng droga habang   halos isang kilo ng hinihinalang “shabu” o crystal meth ang nakumpiska dito sa isinagawang buy-bust operation sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala  ang nahuling suspek sa alyas na “Pekyu,” residente ng Barangay Calarian sa lungsod ng Zamboanga.

Ayon sa report, isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 9 (RDEU9) at ng Drug Enforcement Team ng Dipolog City Police Station ang operasyon pasado alas-7 ng gabi sa South Proper, Brgy. Galas ng naturang siyudad.

Sinabi ni Lt. Col. Khisna Asaali ng Drug Enforcement Team ng Dipolog City Police Station, narekober  mula sa suspect ang isang heat-sealed transparent plastic pack na may laman na humigit-kumulang 1,000 gramo ng puting mala-kristal  na pinaniniwalaang shabu, na nagkakahalaga ng P6.8 milyon batay sa standard drug price ng Dangerous Drugs Board.

Nakumpiska rin ng operating team ang isang tunay na P1,000 bill na ginamit bilang marked money, 999 piraso ng boodle money na may magkakaparehong serial number, isang orange na eco bag, isang brown na paper bag, at isang driver’s license.

Itinurn-over na ang mga nakumpiskang ilegal na droga sa Zamboanga del Norte Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri sa laboratoryo.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with