^

Probinsiya

Radio reporter pinatay, ka-live-in nag-suicide

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang radio reporter matapos pagbabarilin ng ka-live-in nitong  port police saka nag-suicide dahil sa matinding selos noong Martes ng gabi sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Graciano Mijares, Cagayan de Oro City PNP director, kinilala ang napaslang na si Maricel Pamisa, 32, reporter sa dxRU Radyo Ultra habang namatay din si Clemente Rosales Jr., 61, na nagbaril sa ulo matapos mapatay ang ka-live-in.

Si Pamisa ay nagtamo ng anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol partikular na sa likod na naglagos  sa kaniyang dibdib.

Naganap ang insidente sa bahay ng magka-live-in sa Zone 6, Old Water District dakong alas-9:30 ng gabi.

Napag-alamang nagtalo ang dalawa dahil sa ma­tinding selos ng lalaki sa kanyang ka-live-in na may kalaguyong lalaki.

Ikinatwiran naman ng babae base sa narinig ng mga kapitbahay na kaila­ngan sa kaniyang trabaho ang magpaganda at wala siyang kalaguyo.

Ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril na tumapos sa buhay ng babae kung saan nagbaril naman sa ulo ang lalaki.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal.45 pistol, limang cartridge at 9 pang live ammunition ng nasa­bing armas.

BARANGAY BUGO

CLEMENTE ROSALES JR.

GRACIANO MIJARES

MARICEL PAMISA

MISAMIS ORIENTAL

OLD WATER DISTRICT

ORO CITY

RADYO ULTRA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with